Kinilala ang Agricultural Credit Policy Council (ACPC) bilang Top 3 sa mga ahensyang attached sa Department of Agriculture (DA) sa Agency Performance Review (APR) ng Department of Budget and Management (DBM) para sa taong 2025.

Nakamit ng ACPC ang “Very Satisfactory” rating—isang patunay ng matibay nitong pagganap sa parehong financial at physical performance. Ipinapakita nito ang patuloy na kahusayan ng ahensya sa pagpapatupad ng mga programa at pamamahala ng pondo.

Higit pa sa pagkilala, sumasalamin ang tagumpay na ito sa konkretong epekto ng ACPC sa sektor ng agrikultura. Sa pamamagitan ng pinalawak at pinadaling akses sa mga polisiya at programang pautang, patuloy nitong sinusuportahan ang mga magsasaka, mangingisda, at agri-enterprises.

Ang pagkilalang ito ay kaakibat ng patuloy na ambag ng ACPC sa layunin ng DA na mapataas ang produktibidad, mapalakas ang sektor ng agrikultura, at maisulong ang seguridad sa pagkain ng bansa.