Ginawaran ang ACPC partner na Kilusang Lima (5) Para sa Lahat Multipurpose Cooperative (K5 MPC) bilang Outstanding Rural Financial Institution sa ilalim ng Non-Bank Category sa 51st Gawad Saka Awarding Ceremony, na pinangunahan ng Agricultural Training Institute (ATI), sa
Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Bilang pinagkakatiwalaang katuwang sa pagpapatupad ng mga programang pautang ng Department of Agriculture – Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC), partikular sa ANYO-SFF at SURE Program, ipinamalas ng K5 MPC ang kahusayan sa operasyon at pananagutan sa pamamahala ng mga pondo.

Mula 2024 hanggang 2025, nakapagpautang ang K5 MPC ng mahigit Php 43 milyon na nagbigay ng benepisyo sa 635 na magsasaka at mangingisda. Napanatili rin ng kooperatiba ang 100% loan disbursement at remittance rate sa ilalim ng mga programa ng ACPC, na nagpapatunay sa kanilang mahusay na pamamahala, disiplina, at matatag na sistema sa pagpapautang.

Sa kanilang paglalaan ng mahigit 60% ng kabuuang loan portfolio para sa agricultural lending, isinusulong ng kooperatiba ang pagpapaunlad ng mga komunidad sa sektor ng agrikultura. Bukod sa mababang interes na pautang, nagbigay rin ito ng suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mga punla, pataba, pestisidyo, iba pang farm inputs, at mga makinaryang pangsakahan tulad ng traktora at harvester. Dahil dito, nakatulong ang K5 MPC sa pagpapataas ng produksyon at pagpapagaan ng pinansyal na pasanin ng kanilang mga kasapi, at nagsisilbing tagapagtaguyod ng agri finance sa kanayunan.

Ang Gawad Saka ay ang taunang prestihiyosong pagkilala ng Department of Agriculture na nagbibigay-parangal sa mga indibidwal, grupo, at organisasyong nagpakita ng natatangi, tuloy-tuloy, at huwarang kontribusyon sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bansa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-pugay ni DA Undersecretary Roger Navarro ang dedikasyon ng mga nagsipagwagi. “This year’s Gawad Saka awardees exemplify excellence. They are individuals who worked not because of orders or directions from any authority, but because of their commitment to producing food for our country,” aniya. “Their achievements are the result of devotion, dedication, and hard work, proving that true service comes from the heart. On behalf of Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., congratulations to all our awardees.”

Dumalo rin at nagbigay ng keynote message ang Chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform na si Senator Francisco “Kiko” Pangilinan. “Pinararangalan namin kayo hindi lamang dahil sa inyong mga tagumpay, kundi dahil sa kinabukasang tinutulungan ninyong itaguyod—isang Pilipinas kung saan umuunlad ang bawat magsasaka at mangingisda, nagkakaisa ang bawat komunidad, at nananatiling buhay, masagana, at maipapamana sa susunod na henerasyon ang ating lupa at karagatan.”