Mahigit 300 small farmers and fisherfolk (SFF) at mga kooperatiba ang nakilahok sa Agri Credit Ugnayan (ACU) na isinagawa ng Department of Agriculture–Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) noong Agosto 19, 2026 sa Passi City, Iloilo.
Ang ACU ay isang one-stop shop activity ng DA-ACPC na naglalayong ilapit sa mga magsasaka at mangingisda ang mga programa at serbisyong pinansyal ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng ACU, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong malaman ang angkop na loan program ng DA-ACPC para sa kanilang mga pangangailangan sa negosyo, gayundin ang magbukas ng basic deposit account sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) at maka-avail ng insurance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Kabilang din sa mga serbisyong isinagawa pagpaparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS), na kabilang sa mga kinakailangang dokumento para sa loan application; pagpaparehistro sa National ID sa tulong ng Philippine Statistics Authority (PSA) at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang programa ng mga attached agencies ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay OIC-Dir. Joel Matira, Director for Administrative and Support ng DA-ACPC, layunin ng ahensya na gawing mas accessible sa mga magsasaka at mangingisda ang mga programa nito, habang binibigyan sila ng kaalaman at kasanayan upang mas maayos na mapamahalaan ang kanilang pananalapi.
“Through orientations and credit matching sessions, we aim to make programs more accessible, empower our farmers and fisherfolk, and strengthen financial inclusion in the countryside. Equally as important, we aim to equip you with tips on financial literacy—how to manage your expenses, maximize your earnings, and invest in your family’s future,” aniya.
Upang magbigay impormasyon patungkol sa paga-apply ng loan, ibinahagi ni Maia Gapud, OIC-Chief ng Communications and Public Affairs Division ng DA-ACPC ang tungkol sa iba’t ibang mga loan programs ng ahensya katulad ng AgriNegosyo (ANYO) at Kapital Access for Young Agripreneurs (KAYA) Loan Program. Kasama rin niya ang mga successful borrowers mula Iloilo na sina Ruel Calantas (ANYO) at Alarlaa Joy Cagata (KAYA) na nag-kwento ng kanilang pagsusumikap sa kanilang agribusiness sa tulong ng loan programs ng DA-ACPC.
Bukod sa pagpapaalam patungkol sa loan programs ng DA-ACPC, binigyang diin ni OIC-Dir. Matira ang pagpapaigniting ng pagtuturo sa mga SFF ukol sa responsableng pamamahala nito.
“Today’s event is not just about presenting loan programs. It is also about being financially educated, promoting resilience through insurance programs, facilitating on-site credit applications, and encouraging inclusion by helping participants open their own bank accounts.” aniya.
Kung kaya’t itinampok din sa ACU ang financial literacy session na isinagawa ng Capacity Building Division ng DA-ACPC sa pamumuno ni Division Chief Ms. Ma. Adoracion “Jogee” Garcia, kung saan ibinahagi sa mga kalahok ang mahahalagang kaalaman at praktikal na tips para sa wasto at responsableng pamamahala ng kanilang pananalapi.
Ayon kay Belinda, isang farmer mula sa Calinog, Iloilo, isa sa mga lumahok, makatutulong ang financial literacy session sa mga magsasaka upang mas maayos nilang mapamahalaan ang kanilang kinikita.
“Makakatulong ito para din sa kahirapan ng mga farmers kasi maraming farmers na hindi nila alam kung paano gagamitin yung mga kinikita,” aniya.
Bukod sa mga talakayan, nakilahok din sa ACU ang iba’t ibang ahensya at institusyong nagbibigay ng serbisyo para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan. Kabilang dito ang Rural Bank of Miag-ao, partner lending conduit ng DA-ACPC sa Iloilo; DA Regional Field Office VI, sa pamumuno ni Regional Executive Director Dennis Arpia na kinatawanan ni Regional Technical Director Ma. Teresa Solis; DA RFO 6 Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD); DA Bureau of Plant Industry (BPI); Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC); DA Registry System for Basic Sectors in Agriculture; Philippine Statistics Authority (RSBSA); Development Bank of the Philippines (DBP); at Land Bank of the Philippines (LANDBANK).
Nakiisa rin sa aktibidad ang Passi City Agricultural Office at ang Municipal Agricultural Offices ng San Enrique, Calinog, at Dingle.
Para kay Ireneo, mahalaga ang mga pagtitipon tulad ng ACU upang higit na maipaalam sa mga magsasaka at mangingisda ang mga serbisyong maaari nilang makuha mula sa pamahalaan.
“Makakatulong po ito (ACU) para sa kaalaman ng lahat ng mga farmers na kung anong maitutulong ng mga government agencies para sa kanila,” aniya.
Alinsunod sa adhikain ng DA-ACPC na maging katuwang ng mga magsasaka at mangingisda sa pagpapaunlad ng kanilang agribusiness, patuloy na isasagawa ang Agri Credit Ugnayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mapalawak ang access ng mga magsasaka, mangingisda, at iba pang kabilang sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa mga serbisyong pinansyal, programa, at iba pang suporta ng pamahalaan tungo sa mas matatag at mas maunlad na kabuhayan.
“We look forward to building a future where farmers and fisherfolk are not just surviving, but thriving as leaders of growth and progress. May this Agri Credit Ugnayan spark hope, open doors of opportunity, and empower every farmer and fisher to build a brighter tomorrow.” ani ni OIC-Dir. Matira.

