Sa gitna ng patuloy na krisis, kumikilos ang ACPC upang maibsan ang bigat na dinaranas ng sektor ng agrikultura. Pinaiigting ang mga hakbang upang maprotektahan at masuportahan ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda na labis na naaapektuhan ng pagtaas ng gastos at mga suliraning pang-ekonomiya, sa pamamagitan ng agarang tulong at ginhawa.

Alinsunod sa Section 3.2.c ng DA Administrative Order No. 02, Series of 2017, o ang General Implementing Guidelines of the Survival and Recovery (SURE) Program, at kaugnay ng idineklarang “State of National Energy Emergency,” magpapatupad ang mga ACPC Partner Lending Conduits (PLCs) ng Loan Payment Moratorium para sa mga kwalipikadong ACPC program borrowers.

Para sa karagdagang impormasyon at upang malaman kung kayo ay kwalipikado, makipag-ugnayan sa inyong Partner Lending Conduit (PLC).