Isang patunay ito ng aming patuloy na adhikain na maghatid ng mahusay, tapat, at de-kalidad na serbisyo para sa ating mga magsasaka at mangingisda.

Mula nang una kaming ma-certify noong Nobyembre 4, 2019, tuloy-tuloy ang aming pagsisikap na paunlarin at pagandahin ang aming mga sistema at proseso bilang bahagi ng aming layunin na isulong ang tuloy-tuloy na pagbuti at kahusayan sa serbisyo publiko.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang dedikasyon ng aming mga kawani, katuwang na ahensya, at mga stakeholders na patuloy na nagtitiwala sa ACPC.

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta!

Sama-sama tayong magtulungan para sa isang mas matatag, mas inklusibo, at mas maunlad na sektor ng agrikultura.

ACPC — Katuwang sa Puhunan, Kaagapay sa Tagumpay!