Isinasagawa ngayon ng Department of Agriculture–Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) ang Orientation sa Agri-Negosyo Loan Program – Palay Yield Enhancement Financing Facility (ANYO-Palay) para sa mga potensyal na Partner Lending Conduits (PLCs) at Technical Service Providers (TSPs).
 
Layunin ng briefing na maipresenta sa mga potensyal na PLCs at TSPs ang mga layunin, features, at operational guidelines ng ANYO-Palay Program, pati na rin ang pagpapakilala sa mga digital components nito, kabilang ang integrasyon ng mga farm management applications at iba pang digital tools.
 
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni ACPC Executive Director Rallen O. Verdadero ang kahalagahan ng kooperasyon ng mga PLCs upang matiyak ang mas mabilis at mas epektibong paghahatid ng tulong pinansyal sa mga rice farmers.
 
Dagdag pa niya, ang mga reporma ay nakatuon sa pagpapalakas ng financial inclusion para sa sektor ng agrikultura. “Marami po tayong pagbabagong gagawin upang paigtingin ang kakayahan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng financial inclusion.”
 
Binigyang-diin din ni Exec. Dir. Verdadero ang kahalagahan ng patuloy na pagbibigay ng inputs and suggestions mula sa PLCs upang mapabuti ang pagpapatupad ng programa.“Mahalaga ang feedback para mapabuti natin ang aming mga proseso at programa.
sa sa mga tampok ng aktibidad ay ang pagpapakilala ng ACE Portal 2.0, na ngayon ay naka-link na sa RSBSA upang mapabilis ang approval ng loan applications sa pamamagitan ng real-time validation. Ang ACE Portal 2.0 ay digital platform na binuo ng DA-ACPC upang mapabilis at mapadali ang loan processing, kung saan maaaring matanggap ng mga magsasaka ang kanilang loan proceeds sa loob lamang ng isang araw matapos maaprubahan ang aplikasyon.
 
“Sa digitalization, makakamit natin ang transparency at accountability. Mas maisasama natin ang farmers at fisherfolk sa ating digitalization roadmap tungo sa 2026.”
 
Bilang bahagi ng orientation, sinagot ni Exec. Dir. Verdadero ang mga katanungan mula sa mga PLCs and TSPs, partikular hinggil sa implementasyon, proseso, at mga inaasahang pagbabago sa ilalim ng ANYO-Palay Program.

Kabilang sa mga dumalo sa orientation ay ang mga potensyal na PLCs mula sa walong ( 8 ) priority provinces para sa ANYO-Palay Program—Ifugao, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Zambales, Batangas, Masbate, at Samar. Ang ANYO-Palay Program ay inaasahang magiging mahalagang hakbang tungo sa mas pinalakas, modernisado, at mas inklusibong suporta para sa mga rice farmers.