For many young people, farming is something to leave behind. For Mary Joy Sanchez, it was something worth choosing and building on.
From San Ildefonso, Bulacan, she chose vegetable farming for a simple and practical reason. There is always demand. Today, she grows string beans, okra, and long green chili, supplying produce that regularly ends up on Filipino dining tables.
But her story is not just about planting and harvesting. It is about choosing to stay, to build something of her own, and to believe in agriculture at a time when many young people are turning away from it.
A graduate of Bachelor of Science in Agribusiness Management from Bulacan Agricultural State College, Mary Joy knew that learning did not end in the classroom. She continued attending trainings, seeking guidance, and working closely with her husband, who is also an experienced farmer. She also credits their Municipal Agriculture Office (MAO) for helping her improve her skills.
“Malaking tulong po ang MAO sa amin. Hindi lang po sa kaalaman kundi pati sa tamang paraan ng pagsasaka,” she shares.
Like many farmers, she has faced real challenges. Fungal diseases can damage crops, and calamities can undo months of hard work. Still, she chose to adapt instead of giving up.
“Hindi po mawawala ang problema sa pagsasaka, pero may paraan para malampasan,” she says. For her, better techniques and the use of technology have helped her manage these risks.
Growing with KAYA Support, Giving Back with Purpose
Mary Joy’s farming journey moved forward when she accessed a P400,000 loan under the Kapital Access for Young Agripreneurs (KAYA) Loan Program of the Department of Agriculture – Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC).
The program is designed to encourage young Filipinos to enter agribusiness by supporting their capital needs. It offers up to P500,000 per borrower, with no interest, no collateral, and a repayment period of up to five years.
For Mary Joy, this kind of support made a big difference.
“Ang nagustuhan ko po sa KAYA ay walang interes. Mas nakakapag-focus po kami sa pagpapalago ng farm at hindi sa pag-aalala sa bayarin,” she says.
She used the loan to pay for labor, seeds, and fertilizers. These are simple but important investments that helped her farm run more efficiently. Today, she sells her harvest at the Balintawak market and earns around P30,000 to P35,000 each month.
Even without prior experience in borrowing, she has learned to manage her finances well. She makes it a point to set aside part of her income for loan repayment.
“Responsibilidad po naming bayaran ang hiniram, kaya inuuna na namin iyon,” she explains.
Farming has given her more than income. It allows her to take care of her child while earning, and at the same time provide jobs for others in her community.
She also holds a strong belief about the importance of agriculture.
“Kung wala ang magsasaka, wala tayong pagkain sa mesa. Dapat po talagang bigyang halaga ang agrikultura,” she says.
Mary Joy hopes that more young people will begin to see farming in a different light.
“Ang lungkot po minsan kasi iniisip ng kabataan na huwag nang pasukin ang pagsasaka. Pero ngayon, may mga programa na tumutulong para makita nila na may kinabukasan dito,” she reflects. “Kung may pagkakataon, subukan nila at pagsikapan nilang mapaunlad pa ang agrikultura ng bansa.”
For her, the goal is simple but meaningful.
“Mapag-aral ko ang anak ko at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.”
And in every harvest, Mary Joy Sanchez shows that when young farmers are given the right support, they do more than grow crops. They build a future.
Kabataang May Pangarap, Bukid ang Piniling Landas
Para sa maraming kabataan, ang pagsasaka ay isang bagay na dapat iwanan. Ngunit para kay Mary Joy Sanchez, ito ay isang landas na pinili at pinagyaman.
Mula sa San Ildefonso, Bulacan, pinili niya ang pagtatanim ng gulay sa isang simple at praktikal na dahilan—laging may demand. Sa kasalukuyan, nagtatanim siya ng sitaw, okra, at siling haba—mga gulay na karaniwang napupunta sa hapag-kainan ng mga Pilipino.
Ngunit ang kanyang kuwento ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim at pag-aani. Ito ay tungkol sa pagpiling manatili, magtayo ng sariling kabuhayan, at maniwala sa agrikultura sa panahong maraming kabataan ang lumalayo rito.
Isang nagtapos ng Bachelor of Science in Agribusiness Management mula sa Bulacan Agricultural State College, alam ni Mary Joy na hindi nagtatapos sa silid-aralan ang pagkatuto. Patuloy siyang dumadalo sa mga pagsasanay, humihingi ng gabay, at nakikipagtulungan sa kanyang asawa na isa ring bihasang magsasaka. Malaki rin ang pasasalamat niya sa kanilang Municipal Agriculture Office (MAO) sa pagtulong sa pagpapahusay ng kanyang kaalaman at kasanayan.
“Malaking tulong po ang MAO sa amin. Hindi lang po sa kaalaman kundi pati sa tamang paraan ng pagsasaka,” ani niya.
Tulad ng maraming magsasaka, hinarap din niya ang iba’t ibang hamon. Ang mga sakit na dulot ng fungi ay maaaring makasira ng pananim, at ang mga kalamidad ay kayang magbura ng ilang buwang pinaghirapan. Ngunit pinili niyang magpatuloy at umangkop sa halip na sumuko.
“Hindi po mawawala ang problema sa pagsasaka, pero may paraan para malampasan,” dagdag niya. Para sa kanya, malaking tulong ang paggamit ng mas maayos na teknik at teknolohiya upang mapangasiwaan ang mga panganib na ito.
Pag-unlad sa Tulong ng KAYA, Pagbabalik sa Komunidad
Mas umusad ang kanyang pagsasaka nang makakuha siya ng P400,000 na pautang mula sa Kapital Access for Young Agripreneurs (KAYA) Loan Program ng Department of Agriculture – Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC).
Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga kabataang Pilipino na pasukin ang agribusiness sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapital. Nag-aalok ito ng hanggang P500,000 kada borrower, walang interes, walang kolateral, at may hanggang limang taong palugit sa pagbabayad.
Para kay Mary Joy, napakalaking tulong nito. “Ang nagustuhan ko po sa KAYA ay walang interes. Mas nakakapag-focus po kami sa pagpapalago ng farm at hindi sa pag-aalala sa bayarin,” ani niya.
Ginamit niya ang pondo para sa sahod ng manggagawa, binhi, at pataba—mga simpleng pangangailangan ngunit mahalaga sa mas maayos na operasyon ng kanyang sakahan. Sa kasalukuyan, ibinebenta niya ang kanyang ani sa pamilihan ng Balintawak at kumikita ng humigit-kumulang P30,000 hanggang P35,000 bawat buwan.
Bagama’t wala siyang dating karanasan sa pag-utang, natutunan niyang pamahalaan nang maayos ang kanyang pananalapi. Tinitiyak niyang may naitatabing bahagi ng kita para sa pagbabayad ng utang.
“Responsibilidad po naming bayaran ang hiniram, kaya inuuna na namin iyon,” paliwanag niya.
Higit pa sa kita, nagbigay ang pagsasaka sa kanya ng kakayahang maalagaan ang kanyang anak habang kumikita, at nakapagbigay din siya ng trabaho sa iba sa kanilang komunidad.
Malinaw rin ang kanyang paniniwala sa kahalagahan ng agrikultura.
“Kung wala ang magsasaka, wala tayong pagkain sa mesa. Dapat po talagang bigyang halaga ang agrikultura,” aniya.
Umaasa si Mary Joy na mas marami pang kabataan ang makakita ng bagong perspektibo sa pagsasaka.
“Ang lungkot po minsan kasi iniisip ng kabataan na huwag nang pasukin ang pagsasaka. Pero ngayon, may mga programa na tumutulong para makita nila na may kinabukasan dito,” saad niya. “Kung may pagkakataon, subukan nila at pagsikapan nilang mapaunlad pa ang agrikultura ng bansa.”
Para sa kanya, simple ngunit makabuluhan ang kanyang pangarap:
“Mapag-aral ko ang anak ko at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.”
Sa bawat ani, ipinapakita ni Mary Joy Sanchez na kapag nabibigyan ng tamang suporta ang mga batang magsasaka, hindi lang sila nagtatanim ng pananim—nagtatanim sila ng kinabukasan.

